TRICYCLE TARIPA 2018
Published: September 05, 2018 12:00 AM | Updated: September 05, 2018 09:35 AM | Author: Franchising and Regulatory Office (FRO)
Matapos maaprubahan ng Sangguniang Panlungsod, naipatupad na simula nitong Lunes, September 3, ang bagong singil ng pasahe sa tricycle sa pamamagitan ng City Ordinance #18-041.
Ilang beses ding nagkaroon ng pagdinig sa Sanggunian nitong mga nakaraang buwan kasama ang iba't ibang sektor bago maaprubahan ang ordinansa. Kasama sa mga paksang tinalakay sa pagdinig ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin.
Nakapaloob din sa ordinansa ang mandatong bawat tricycle ay dapat maglagay ng Authorized Fare Rate na manggagaling sa City Franchising & Regulatory Office.
Paalala naman ni Engr. Vimar Ila ng City Franchising Office na kapag walang nakalagay na taripa sa tricycle ay hindi dapat maningil ng bagong pasahe.
Nangako naman ang mga TODA representatives na susunod sa bagong taripa.
Ang paglabag dito ay maaaring idulog sa City Franchising & Regulatory Office.