News »


Tatlong Oldest Living San Josenian, may regalo mula sa LGU

Published: August 05, 2022 10:15 AM



Personal na dinalaw ni Mayor Kokoy Salvador sa kanilang mga tahanan ang tatlong kinilalang ‘Oldest Living San Josenian’ sa taong ito para iabot sa kanila ang regalo ng lokal na pamahalaan.

Taunang hinahandugan ng cash incentive ang mga itinuturing na pinakamatandang nabubuhay na San Josenio rito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose tuwing Agosto 10. 
 
Nitong umaga (Agosto 5), isa-isa silang pinuntahan ni Mayor Kokoy at iniabot ang tig-P20,000.00 kina Lolo Pedro Santos, 100 taong gulang sa Brgy. Calaocan; Lolo Marcelo Cabanayan, 99 na taong gulang sa Brgy. Tayabo; at Lola Virginia Quiba, 99 na taong gulang sa Brgy. Sto. Niño 1st.

Bukod sa nasabing insentibo mula sa lokal na pamahalaan, tutulungan din sila sa pagpoproseso ng kanilang Centenarian Gift na nagkakahalaga ng P100,000.00 mula sa nasyonal na pamahalaan. 

Ibinibigay ito sa mga edad 100 taong gulang pataas sang-ayon sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016.