News »


The Challenge Initiative Program sa Lungsod

Published: July 18, 2022 10:00 AM



Bumisita nitong Biyernes (July 15) sa lungsod ang ilang kinatawan ng PopCom National at Regional Office upang kumustahin ang kalalukuyang estado The Challenge Initiative (TCI), isang programa ng Bill & Melinda Gates Foundation at ng Zuellig Family Foundation na layuning matugunan ang mga isyung may kinalaman sa populasyon lalo na ang pagtaas ng insidente ng teen pregnancy. 

Kabilang sa mga dumayo ay sina USEC Juan Antonio A. Perez III, Commission on Population and Development Executive Director; Lourdes P. Nacionales, PopCom Region III Director; Dr. Dorie Lyn O. Balanoba, TCI Philippines Chief; Dr. Ria Mae C. Verdolaga, Bridging Leadership Philippines PDP Manager; Mickah Erickah Joy L. Celiz, Bridging Leadership Philippines PDP Expert; at Dr. Anthony Rosendo G. Faraon, Zuellig Family Foundation Deputy Executive Director.

Samantala, hindi man pinalad makadalo nang harapan si Senior Program Officer Kate Graham mula sa Bill and Melinda Gates Institute for Population and Reproductive Health, nakasama pa rin ito sa talakayan sa pamamagitan ng Zoom.

Dito, nagtipon ang mga kinatawan ng bawat ahensyang bumubuo sa TCI team upang iprisinta ang mga programang ihahain at kasalukuyan nangg isinasagawa ng lokal na pamahalaan sa lungsod kaugnay ang Adolescent Youth Sexual Reproductive Health. 
Kabilang sa mga programang ibinahagi ng mga miyembro ang sumusunod:
• Patuloy na pagsasagawa ng mga training para sa coaches, parents at adolescent youth
• ADEPT Training for City leadership Team (CLT) members
• Parent-Teen Talk
• Usapang BIBA (Batang Ina at Batang Ama)
• Katropa
• Adolescent profiling
• Pagtatalaga ng mga accessible at community-based facility para sa mga kabataan gaya ng Teen Information Center, RHUs, at Suhay
• Pagtataguyod ng Comprehensive Sexuality Education ng DepEd Division Office
• Youth development programs para sa mga Out of School Youth (OSY)
• Medical outreach program at iba pa

Kaugnay nito, bilang kontribusyon sa hangarin ng TCI, nagtayo ang Heart of Jesus Hospital ng Suhay Youth Center upang magsilbing gabay sa mga kabataang naliligaw ng landas.

Samantala, isa sa mga natukoy na hadlang sa pagtataguyod ng programa ay ang kakulangan ng pondo at mga supply gaya ng contraceptives.

Nangako naman si USEC Perez na gagawan ng paraan ang anumang kakulangan para sa ikatatagumpay ng programa. Ayon pa sa mensahe ni USEC Perez, makakaasa ang sambayanan na ang kabataan ngayon ay uunlad at magiging kabahagi ng reproductive workforce.
Sa pamumuno ng PopCom, ang San Jose City TCI team ay isa sa siyam lamang na TCI sa buong bansa na naglalayong mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa lungsod base sa naitalang datos ng City Health Office nitong mga nakaraang taon.

Ang TCI ay itinatag ng Bill & Melinda Gates Institute for Population and Reproductive Health sa ilalim ng Department of Population, Family and Reproductive Health sa Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health.