Announcement »


Travel Authority mula sa PNP

Published: June 03, 2020 12:00 AM




Base sa direktibang ibinaba ng Philippine National Police, simula June 4, hindi na mag-iisyu ng Travel Pass/ Travel Authority (TA) ang LGU. PNP na ang mag-iisyu nito.

· Hindi kailangan ng TA kung ikaw ay isang Authorized Person Outside of Residence (APOR). APOR ka kung ikaw ay trabahador na may company ID, Certificate of Employment, o Business Permit ng mga negosyo o establisimyentong pinayagan nang mag-operate sa ilalim ng GCQ.

· Hindi kailangan ng TA para sa mga biyahe sa loob ng probinsya para sa INDISPENSABLE TRAVEL (IT) tulad ng medical emergency; at Locally Stranded Individual (LSI).

· Kailangan ng TA kung ikaw ay lalabas ng probinsya, IT man o LSI.

· Kailangan ng TA para sa non-essential travel na lalabas ng probinsya. (Non-essential ang travel kung ito ay hindi related sa trabaho o negosyo.)

· Kung ang travel ay within the region, Local Chief of Police ang mag-iisyu ng TA. Kung ang travel ay lalabas ng Region, PD ang mag-iisyu ng TA.

· Narito ang mga kailangang dokumento para maisyuhan ng TA:

1. Barangay Certification na ang bibigyan ng TA ay hindi nagkaroon ng COVID-19 symptoms sa nakaraang dalawang linggo.

2. Medical Clearance from the City Health Officer.