News »


Work Ethics and Responsibilities, itinuro sa mga kawani ng PDAO

Published: July 25, 2022 04:00 PM



Ipinagpatuloy hanggang ngayong araw (Hulyo 25) ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week sa pamamagitan ng isang seminar tungkol sa work ethics and responsibilities para sa mga kawani ng Person with Disability Affairs Office (PDAO).

Pinangunahan ni Christian Nicolas, Disability Affairs Officer II ng naturang opisina ang pagsasanay.

Layunin nito na mas mapataas pa ang kalidad ng kanilang serbisyong ibinibigay sa mga taong may kapansanan na nangangailangan ng kanilang tulong. 

Tinalakay ni Nicolas sa pagsasanay ang 10 paraan upang maging mas matatag at maaasahan ang isang empleado, kabilang dito ang propesyonalismo at disiplina, pagiging mabuting halimbawa sa mga kasamahan sa trabaho, pagkakaroon ng malinaw na hangarin at layunin, tamang pagmo-monitor, paglikha ng maayos na work environment, at iba pa. 

Dagdag pa ni Nicolas, nais nilang mas maging sistematiko ang mga programang ipinatutupad ng PDAO at umaasang maisabuhay ng mga dumalo sa pagsasanay ang kanilang mga natutuhan bilang tapat na lingkod bayan.

Bukod sa nasabing pagsasanay, nagsagawa rin ng Basic Financial Literacy and Business Management Training ang PDAO nitong Hulyo 21.