News »


Elesiyon para sa 2024 Little City Officials

Published: November 20, 2024 04:41 PM



ELECTION OF 2024 LITTLE CITY OFFICIALS

Hinirang na ang mga bagong Little City Official ng lungsod para sa Linggo ng Kabataan matapos idaos ang kanilang halalan nitong umaga (Nobyembre 20) sa munisipyo, kung saan nanalo bilang Little City Mayor si Niel John Rae Abeleda ng Golden Success University at Little City Vice Mayor naman si John Mharvic Geron ng San Jose City National High School.

Bago ang botohan, sumagot sa iba't ibang isyu na kinakaharap ng mga kabataan ang 20 presidente ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), habang aktibong nakilahok sa pagpili ng Little City Councilors at Little City Department Heads ang iba pang student leaders.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Vice Mayor Ali Salvador ang mga kalahok at ipinaabot ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang sektor, partikular na sa mga programang nakatuon sa kabataan.

Nakatakdang isagawa ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal sa Nobyembre 25 na manunungkulan hanggang Nobyembre 29.

Inilunsad ng Community Affairs Office ang programa at mangangasiwa sa iba pang inihandang aktibidad para sa Linggo ng Kabataan, kabilang ang Laro ng Lahi, Tree Planting, at Anti-Drug Symposium.