Pagibang Damara Festival 2025 »


Farmer's Fiesta sa Pagibang Damara

Published: April 08, 2025 02:00 AM   |   Updated: May 16, 2025 12:36 PM



Bumida ang mga magsasaka sa Farmer's Fiesta na ipinagdiwang ngayong araw, Abril 8 bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2025.

Sa temang "Damayan at Bayanihan, kayamanan ng San Josenian", ipinarada ng 15 grupo/asosasyon ng mga magsasaka mula sa iba't ibang barangay ng lungsod ang kani-kanilang malikhaing float na dinesenyuhan ng damara at mga inaning produkto.

Nagtipon muna ang mga ito sa City Social Circle saka tumungo sa City Agriculture Office (CAO) compound sa Brgy. Malasin kung saan idinaos ang programa.

Hinirang na kampeon sa Float Parade Competition ang Caanawan Farmers Association, 1st runner-up ang KALASAG Multi-Purpose Cooperative, at 2nd runner-up naman ang Malayang Magsasaka ng Sapang Bato Farmers Association.

Dinaluhan ang programa nina Agricultural Engr. Jovita Agliam ng Office of the Provincial Agriculturist, Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa araw ng mga magsasaka.

#PagibangDamaraFestival