Pagibang Damara Festival 2025 »


Gabi ng Pasasalamat

Published: April 08, 2025 01:00 AM   |   Updated: May 16, 2025 12:35 PM



Napuno ang City Social Circle ng mga miyembro ng San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) kagabi, Abril 7 para sa Gabi ng Pasasalamat.

Bukod sa pag-alay ng dasal at pag-awit ng papuri, nagpamalas din ng galing at talento ang ilang grupo ng kabataang miyembro ng SJCPM, gayundin ang San Jose Youth Symphonic Orchestra.

Sa huling bahagi ng programa, nagkaroon ng raffle draw kung saan nakapag-uwi ng iba't ibang premyo ang mga pinalad na manalo.

#PagibangDamaraFestival