Lungsod San Jose, pinangunahan ang Regionwide 4th Quarter Earthquake Drill
Published: November 21, 2024 04:39 PM
ICYMI: Lungsod San Jose, pinangunahan ang Regionwide 4th Quarter Earthquake Drill
Isinagawa ang malawakang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong ika-14 ng Nobyembre sa lungsod na nilahukan ng ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya sa rehiyon.
Kasama ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ang mga DRRM Coordinator mula sa Department of Education (DepEd) Region 3, pati na rin ang mga emergency response team mula sa Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine National Police, Philippine Army, at Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ).
Aktibong nakibahagi sa earthquake simulation na ginanap sa San Jose City National High School ang mga mag-aaral, guro, at non-teaching staff dito, kabilang na ang pagsasanay sa "Drop, Cover, and Hold" drill upang matutunan ang tamang hakbang sa oras ng lindol.
Isinagawa rin dito ang evacuation drill kabilang ang ligtas na paglikas mula sa mga gusali patungo sa designated evacuation areas; gayundin ang search and rescue drills kung saan ipinakita ng mga itinalagang first responder ang pagligtas sa mga biktima mula sa mga pagguho.
Kasama sa drill ang mga first aid at medical response team, kabilang ang OLSJ medical team na nagsagawa ng simulation ng pangunang lunas at pag-aalaga sa mga sugatang indibidwal.
Dagdag pa rito, may post-drill conference din ang mga kalahok na ahensiya upang suriin ang resulta ng aktibidad at tuklasin ang mga aspeto na maaaring mapabuti sa mga susunod na NSED.