Pagibang Damara Festival 2025 »
Mister & Miss San Jose City 2025 - Pagibang Damara Festival 2025
Published: April 13, 2025 11:00 AM | Updated: May 16, 2025 12:36 PM
MISTER & MISS SAN JOSE CITY 2025
Muling nabigyang-liwanag ang ganda at galing ng kabataang San Joseño sa ginanap na coronation night ng Mister and Miss San Jose City 2025 nitong Huwebes, Abril 10, kung saan itinanghal bilang Mister San Jose City 2025 si Kent Genesis De Belen ng Barangay Abar 1st, at Miss San Jose City 2025 naman si Ayen Pioquinto ng Barangay Culaylay.
Sa huling Question & Answer round kung saan sila ay tinanong na paano nila ibabalik sa komunidad ang pabor kapag sila ay nanalo, nangibabaw ang sagot ni Pioquinto na nagsusulong ng body positivity, habang tumatak naman sa mga hurado ang sagot ni De Belen tungkol sa pagiging isang role model.
Pumuwesto bilang 1st Runner-up sina Roland James Bisis ng Barangay Tayabo at Jeanna Niña Jimenez ng Barangay Sto. Niño 2nd, habang kinilala bilang 2nd Runner-up sina Carl Aaron Dela Cruz ng Barangay Sibut at Michelle Dela Cruz ng Barangay Malasin.
Bumubuo naman sa Top 6 sa edisyong ito sina Mark Lester Rivera (Sibut), Frederick Dela Cruz Jr. (Sto. Niño 2nd), Danny Apling (Abar 1st), Princess Caroline Huertas (Sto. Tomas), Charlene Cesar (Abar 1st), at Criza Jhen Pangilinan (Sto. Niño 3rd).
Mas lalong nagningning ang patimpalak sa presensiya ng mga huradong sina Miss Supranational Philippines 2025 Tarah Valencia, Mister Supranational 2024 2nd Runner-up Brandon Espiritu, Miss Supranational 2022 Alison Black, Man of the World 2024 Sergio Azuaga, professional model Maria Isabela Galeria, at Empire/Mercator VP & Talent Manager Mau De Leon.
Nagsilbi namang host sina Mister Pilipinas Worldwide National Director Joshua De Sequera at Miss Aura International 2024 1st Runner-up Isabelle Delos Santos
Pinag-alab din ang programa ng mga tampok na performance mula kina Boyband PH Finalist Nico Nicolas, Maria Sanchez, Team Rocket, BE REAL, at Jap-Jap Talania.
Samantala, narito ang listahan ng mga nagwagi ng special awards:
• Best in Swimwear - Kent Genesis De Belen at Michelle Dela Cruz
• Best in Formal Wear at Best in Evening Gown - Mark Lester Rivera at Michelle Dela Cruz
• Best in Modern Barong & Modern Filipiniana - Roland James Bisis at Jeanna Niña Jimenez
• Mister & Miss Congeniality - John Aldrich Galang at Ericka Toquero
• Mister & Miss Photogenic - Kent Genesis De Belen at Charlene Cesar
• Mister & Miss Dwell Dermatology 2025 - Roland James Bisis at Jeanna Niña Jimenez
• Mister & Miss Dwell People's Choice Award - Kent Genesis De Belen at Charlene Cesar
• Mister & Miss Jetti Petroleum - John Paul Prado at Kristen Garcia
• Mister & Miss Max's San Jose City - Roland James Bisis at Charlene Cesar
• Mister & Miss Alesso Body Physique - Carl Aaron Dela Cruz at Jeanna Niña Jimenez
• Mister & Miss PHINMA-Araullo University - Reo Taguchi at Kristen Garcia