Pagibang Damara Festival 2025 »
Pagibang Damara Trade Fair
Published: April 07, 2025 01:00 AM | Updated: May 16, 2025 12:35 PM
Kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Pagibang Damara Festival 2025 ngayong araw (Abril 7), binuksan din ang Trade Fair na nagtatampok ng iba't ibang lokal na produkto ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod, pati na ng mga taga-karatig bayan.
Kasama nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Bokal Dindo Dysico at ilang konsehal ng lungsod sa ribbon-cutting ceremony si Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director - OIC Alfee Rei Galapon.
Matatagpuan sa City Social Circle ang 28 puwesto ng mga kasali sa Trade Fair na magtatagal hanggang Abril 12.
Maaaring mamili rito ng iba't ibang pagkain, gamit pambahay, damit, palamuti, at marami pang iba.