News »


10 San Josenio, tumanggap ng livelihood assistance

Published: September 06, 2018 05:55 PM



Mula sa pagbibitbit ng panindang isda, sampung San Josenio ang mapalad na tumanggap ng libreng fish cart tribike, dalawang piraso ng tig-16 liters na cooler, at timbangan kamakailan.

Bukod dito, nagbigay din ng cash incentive ang Punong Lungsod Kokoy Salvador sa sampung benepisyaryo bilang pandagdag puhunan.

Ayon kay City Agriculturist OIC Violeta Vargas, ang mga nasabing fish cart ay mula sa Bureau of Fisheries & Aquatic Resources (BFAR) Region III at inihandog sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng koordinasyon sa Lokal na Pamahalaan.

Dagdag pa ni Gng. Vargas, naniniwala silang ang mga benepisyaryo ay mas maraming produktong pwedeng ibenta kung sila ay may sasakyang gaya ng tribike kaysa sa naglalakad na bitbit lamang ang paninda.

Hiniling ng City Agriculture Office sa mga tumanggap na ingatang mabuti ang mga kagamitan upang mas marami pang programang maibigay ang BFAR Region III at ang Lokal na Pamahalaan.