14 Drug-Cleared Barangay, inilahad sa CADAC Meeting
Published: March 18, 2021 03:00 PM
Inilahad nitong Martes, Marso 16 sa Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) meeting ang 14 na barangay sa lungsod na itinuturing na “drug-cleared”.
Base sa datos ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) na iprinisinta ni Investigation Agent V Christopher Macairap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Nueva Ecija, kabilang sa mga drug-cleared barangay ang Dizol, Kaliwanagan, San Mauricio, Parang Mangga, Sinipit Bubon, Tondod, Villa Floresta, Villa Joson, Villa Marina, Pinili, Culaylay, A. Pascual, Porais, at San Juan.
Ayon naman sa hepe ng PNP San Jose na si PLtCol. Criselda de Guzman, nanguna ang istasyon ng Pulisya sa lungsod sa implementasyon ng BDCP sa City category, at ikatlo naman sa buong Region III.
Umaasa ang PDEA at PNP San Jose sa patuloy na pakikiisa ng mga barangay at lokal na pamahalaan para madagdagan pa ang bilang ng drug-cleared na barangay sa lungsod at matugunan ang problema sa ilegal na droga.