News »


16 paaralan sa lungsod, nagtunggali sa �Spoken Poetry� contest

Published: August 16, 2018 03:31 PM



“Isang lungsod na maipagmamalaki, mahal ko ang San Jose”

Ito ang temang pinaglabanan ng labing anim na paaralang kalahok sa pagbigkas ng tula na kilala rin sa tawag na “Spoken Poetry” nitong Agosto 10.

Ibat- ibang pag-atake sa pagbigkas ng tula ang ipinamalas ng mga piling mag-aaral na kinatawan ng paaralan ngunit sa huli ay apat lamang ang naparangalan.

Itinanghal na kampeon ang pambato ng Core Gateway College na si Aldine Jay Raytan. Pumangalawa naman ang mag-aaral ng San Jose Christian Colleges na si Rochelle Marie C. Rosal habang naiuwi ni Ronalet Miranda ng Tondod High School ang ikatlong pwesto.

Samantala, gantimpala para sa Best in Original Composition ang naiuwi ng kalahok na si Rechelle Unciano mula sa Caanawan High School.

Tumanggap naman ng consolation prizes ang mga kalahok mula sa Porais High School, Bettbien Montessori, St. Joseph School, St John’s Academy, San Jose City National High School, Kita-kita High School, Gracious Shepherd Christian Academy, Sto. Nino 3rd High School, Keanny Diaz Institute, Mount Carmel Montessori Center, Elim School for Values & Excellence at Tayabo High School.

Isa sa nagsilbing hurado ang manunulat at direktor na si Rod Marmol, isang San Josenio na kilala rin sa larangan ng Spoken Poetry sa Maynila.
(Sheryl Ramos)