News »


19 PWD, nagtapos sa Hatid-Dunong Program

Published: July 20, 2018 05:43 PM



Kasabay ng pagdiriwang ng NDPR week, tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos ang 19 persons with disability (PWD) sa lungsod mula sa programang Hatid-Dunong ng Lokal na Pamahalaan.

Pinangunahan nina Konsehala Victoria Adawag, Patrixie Salvador at City Librarian Helen Ercilla ang pag-aabot ng sertipiko ng pagtatapos.

Nag- abot naman ng regalong bigas at groceries sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Macadangdang bilang pagkilala sa mga kalungsod nating may kapansanan dahil muli nilang pinatunayan na hindi naging hadlang ang kanilang kapansanan upang makibahagi sa programang Hatid-Dunong.

Kitang-kita sa mukha ng mga PWD ang saya ng lumabas ang mascot na si Jollibee at hindi na sila napigilang umindak kasabay nito.

Buong pusong pasasalamat naman ang pinaabot ng mga magulang ng mga nagsipagtapos dahil sa pamamagitan ng programang ito ay maraming natutunan ang kanilang mga anak.

Ang mga nasabing mag-aaral ay nagmula pa sa barangay ng Villa Joson, San Juan, Pinili, Porais at Bagong Sikat.