1st Quarter NSED
Published: March 09, 2023 03:33 PM
Kaisa ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw (Marso 9).
Agarang nagsipaglikas mula sa kani-kanilang opisina ang mga empleado ng munisipyo nang marinig ang sirenang hudyat ng naturang drill kaninang umaga.
Nagsagawa naman ng rappel rescue operation sa Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Building ang pinagsamang puwersa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Bureau of Fire and Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP) para mapaipakita ang gagawin kung sakaling hindi maaaring gamitin ang mga hagdan sa gusali.
Umakto namang nag-aapula ng sunog ang iba pang bombero, habang ang ilang kawani ng CDRRMO at Philippine Army ay nagsagawa ng search and rescue drill sa Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ).
Ipinakita rin dito ng mga health worker ng OLSJ at City Health Office ang pagresponde at paglapat ng paunang lunas sa mga biktima.
Ayon kay Ferdinand Vergara, Chief of Operations ng CDRRMO, sinadyang pagsabay-sabayin ang mga kaganapan sapagkat maaaring ganito rin ang mangyari kapag lumindol.
Paliwanag niya, hindi maiiwasang magsabay-sabay ang sunog, pagguho ng gusali, at may mga biktimang kailangang sagipin kaya sinubukan ng kanilang opisina na gumawa ng katulad na scenario.
Paalala ng CDRRMO, dapat laging handa at alisto sapagkat hindi nagpapasintabi ang lindol kung kailan ito tatama.