News »


1st San Jose City Skateboarding Competition

Published: May 04, 2018 11:29 AM



Nagpagalingan ang mahigit 120 skateboarders sa kauna-unahang Skateboarding Competition sa lungsod na sinalihan hindi lamang ng mga taga-San Jose kundi pati mga taga-Maynila, Tuguegarao, Nueva Vizcaya, Bulacan, Pangasinan, Cabanatuan, Baler at Sta. Rosa.

Nanguna sa kategoryang Best Run Class S si Mak Feliciano, habang Best Run Class A 1st Place naman si Ikoy Enriquez.

Samantala, si CL Paje ang tinanghal na 1st place sa Game of Skate Class S at Highest Ollie. Nasungkit naman ni Mike Relarpis ang unang puwesto sa Game of Skate Class A.

Nakuha ni Banjo Reyes ang Longest Gap Category, habang si Jundin Santos ang nakakuha sa Best Trick (Ledgre & Rail).

Tinanghal na Best Trick (Kicker) si Egie Chaves at nakuha naman ni Kirke Sanchez ang Game of Skate Kids Category at Best Run Kids.

Hindi nagpahuli si Punong Lungsod Kokoy Salvador na sinubukan ding mag-skateboarding.

Makikita ang walang sawang pagsuporta ni Mayor sa ating mga kabataan lalo na sa mga programang nakalaan para sa kanila para mahasa ang kanilang talento at mahubog ang kanilang kakayahan.

Naging matagumpay ang naturang kompetisyon na ginanap noong Abril 28 sa pangunguna ng Sports Development Office.

Bahagi pa rin ang naturang aktibidad sa katatapos na Pagibang Damara Festival.