2021 Presidential Lingkod Bayan Regional Award
Published: October 25, 2021 01:08 PM
Pormal na tinanggap ni Punong Lungsod Kokoy Salvador nitong umaga, Oktubre 25, ang plake ng parangal na ipinadala ng Civil Service Commission (CSC) para sa 2021 Presidential Lingkod Bayan Awards - Region III.
Ang virtual awarding ceremony para sa nasabing pagkilala ay idinaos nitong nakaraang buwan ng Setyembre kaugnay ng Civil Service Month kung saan isa si Mayor Kokoy sa dalawa lamang na alkalde sa Region III na kasama sa mga kinilalang lingkod bayan.
Ayon sa CSC, ang pagkilala ay ibinibigay sa isang indibidwal o grupo para sa pambihira at katangi-tanging kontribusyon na nagresulta sa ideya o gawa na may epekto sa pampublikong interest, seguridad at patrimonya.
Ang pagkilalang natanggap ng Punong Lungsod ay kaugnay ng kanyang proyektong Potable Water System (POWAS) sa iba't ibang barangay.