News »


2023 RSPC sa Lungsod San Jose

Published: May 22, 2023 04:44 PM



Isa na namang makasaysayang pangyayari ang nasaksihan sa Lungsod San Jose matapos idaos dito ang Central Luzon Regional Schools Press Conference (RSPC) sa kauna-unahang pagkakataon.

Opisyal na binuksan ang naturang programa nitong Sabado, Mayo 20 sa San Jose City National High School (SJCNHS) kung saan nagtunggali ang libo-libong campus journalists mula sa Region III.

Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Regional Office, sa pangunguna ni Regional Director May B. Eclar na siya ring pormal na nagdeklara ng pagbubukas ng 2023 RSPC.

Samantala, ipinahayag naman ni Mayor Kokoy Salvador ang kanyang mainit na pagbati sa lahat ng delegado at bisita rito. Aniya, isang malaking karangalan ng lungsod na ginanap dito ang RSPC.

Kapwa nagpahayag din ng kanilang mga pagbati at mensahe sina SJCNHS Principal IV Vilma Nuņez at San Jose City Schools Division Superintendent-OIC Leonardo Canlas.

Isinagawa ang kompetisyon at awarding ceremony para sa individual categories sa araw na iyon at idadaos naman ang para sa group categories sa Mayo 27.