2023 State of the City Address (SOCAD)
Published: March 30, 2023 05:53 PM
Natunghayan ngayong araw, Marso 30, ang Ulat sa Bayan o State of the City Address (SOCAD) ni Punong Lungsod Kokoy Salvador upang mailahad sa mga San Josenio ang mga naisakatuparang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa nagdaang taon.
Sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation (AVP), ipinakita ang naging ambag at pagtutulungan ng lahat ng opisina para makapaghatid ng mahusay na serbisyo publiko.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Kokoy ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na naging katuwang niya para mga nakalipas na taon hanggang ngayon na kanyang huling termino at hiniling niya na patuloy siyang samahan para sa kaunlaran ng lungsod.
Kinilala rin ng Punong Lungsod ang pagiging aktibo ng Sangguniang Panlungsod at pagbibigay nila ng kanilang “best effort” sa pagseserbisyo.
Ibinahagi naman ni Vice Mayor Ali Salvador sa kanyang pangwakas na pananalita na ang tagumpay ni Mayor Kokoy ay hindi lamang tagumpay nito bilang ama ng lungsod o tagumpay ng kanilang pamilya, kundi ng lahat ng naging bahagi at kasama sa pagtupad ng kanyang mga plano at pangarap para sa mga San Josenio.
Samantala, nagpamalas naman ng galing sa pagtugtog ang San Jose City National High School - Special Program for the Arts Music Learners and Teachers sa programa na idinaos sa Pag-asa Sports Complex at dinaluhan ng mahigit 1,000 katao.