225 PWD, nakatanggap ng regalo
Published: September 15, 2017 05:13 PM
Binigyan ng tig-iisang libong pisong cash gift kahapon ng Lokal na Pamahalaan ang Persons with Disability (PWD) na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Agosto at maging ang mga may kaarawan ngayong Setyembre.
Pinangunahan ng mga kawani ng PWD Center ang naturang programa na dinaluhan ni Mayor Kokoy Salvador.
Sa mensahe ng butihing Punong Lungsod, sinabi nyang maaasahan ng mga PWD ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang sektor dahil aniya, ang kanyang nais ay pagsilbihan ang taong bayan, at makatulong sa lahat ng nangangailangan para gumaan ang kanilang pamumuhay.
Masaya ring ibinalita ni Mayor na magagamit na sa susunod na taon ang bagong tayong ospital na bukas hindi lamang para sa mga PWD kundi sa lahat ng mamamayan ng San Jose.
Sa Disyembre ay muling magbibigay ng cash gift sa mga magdiriwang naman ng kaarawan sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
(Jennylyn N. Cornel)