News »


26,000 USB Flashdrives

Published: September 03, 2020 12:00 AM



Tinanggap ng DepEd Division Office ngayong araw, September 3, ang mahigit 26,000 USB flash drives na ipamimigay sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan bilang suporta sa digital learning sa darating na pasukan. 

Binisita rin ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang Library Hub sa West Central School kung saan inililimbag ang modules na gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang modular learning.  Dito ginagamit ang dalawang bagong riso machine na galing din sa pondong inilaan ng Lokal na Pamahalaan.

Matatandaang naglaan ng mahigit dalawampung milyong piso ang Lokal na Pamahalaan mula sa Special Education Fund nitong buwan ng Hunyo para suportahan ang DepEd Division Office sa mga panibagong paraan ng pagtuturo ngayong panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19.