News »


2nd Quarter NSED

Published: June 08, 2023 01:36 PM



Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong umaga, Hunyo 8 sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Katuwang dito ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Army.

Ipinakita sa drill ang agarang paglikas, pag-search and rescue, paglapat ng paunang lunas, at pag-apula ng apoy.

Regular na isinasagawa ang NSED sa bansa bilang paghahanda at pagpapaala sa mga mamamayan ng mga dapat gawin para maging ligtas sa oras ng sakuna at kalamidad.