News »


3,000 sakong pataba na donasyon mula sa China

Published: July 12, 2023 04:10 PM



Nakatanggap ng halos 3,000 sako ng pataba na donasyon mula sa China ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Agriculture Office (CAO).

Sinimulan ang pamamahagi nito sa ilang magsasaka kaninang umaga (Hulyo 12) sa nasabing tanggapan kung saan personal na dumalo si Mayor Kokoy Salvador at kinumusta ang mga magsasakang naroon.

Nagpahayag din ang Punong Lungsod ng pasasalamat sa natanggap na donasyon na aniya ay malaking tulong dito.

Ayon naman sa CAO, makipag-ugnayan lamang ang mga magsasaka sa nakatalagang technician sa kanilang barangay kung paano at kailan ang schedule ng pagkuha ng naturang pataba.