News »


339 PWD, Tumanggap ng Cash Gift

Published: June 23, 2017 05:50 PM



Tumanggap ng tig-iisang libong cash gift kahapon ng umaga (Hunyo 22) sa City Hall ang 339 na persons with disability (PWD) na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo.

Kasabay nito ay nagpamahagi rin ng anim na wheelchair ang lokal na pamahalaan sa mga PWD.

Pinangunahan ang naturang programa ng mga kawani ng PWD Center, at dinaluhan naman ito ni Mayor Kokoy Salvador at ilang City Councilors.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi niyang patuloy ang pagbibigay ng suporta ng lokal na pamahalaan para sa sektor ng mga PWD

Nagpahayag din ng kani-kanilang mensahe at pagbati sina City Councilors Patrixie Salvador, Jenny Salvador, Roy Andres, Niņo Laureta, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na isinasagawa tuwing Hulyo 17-23.
(Michael Collado)