39th NDPR Week, umarangkada na
Published: July 20, 2017 05:19 PM
Pormal na binuksan noong Lunes, July 17, ang unang araw ng selebrasyon ng ika-39 National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “ Karapatan Pribelehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban”, na ginanap sa Pag-asa sports complex, barangay F. E. Marcos.
Kaugnay nito, ipinamalas ng mga PWD o Persons with Disability ang kanilang mga talento at kakayahan sa iba’t ibang larangan ng sports gaya ng basketball, dama, chess maging sa pagsayaw at pag-awit.
Naging panauhing pandangal si City Mayor Kokoy Salvador sa pagdiriwang at sinabi niyang natutuwa siya sa mga talentong ipinakita ng mga PWD dahil sa kabila ng kanilang espesyal na kalagayan hindi ito naging hadlang para makamit nila ang anumang kanilang nais na kamtin.
Inihalimbawa rin niya ang sarili nya na kahit aniya’y kompleto siya sa panlabas na anyo, marami pa rin siyang hindi kayang gawin na maaari namang kayang-kayang gawin ng mga PWD.
Bukod sa mga tampok na paligsahan sa NDPR Week, nagpamigay din apat na wheelchair at cash gifts para sa mga nagdiwang ng kanilang kaarawan.
Bumati rin sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Glenda Macadangdang, City Coucilors: Wilfredo “Amang” Munsayac, Patrixie Salvador, Jennifer Salvador, Atty. Ronald Lee Hortizuela at Victoria Adawag.
Nagpasalamat naman ang sektor ng PWD sa patuloy na suportang natatanggap nila mula sa lokal na pamahalaan.
Ang NDPR Week celebration na ginugunita tuwing ika-labimpito hanggang ika-dalawampu’t-tatlo ng Hulyo ay naglalayong magbigay inspirasyon sa mga taong may kapansanan upang hind maging hadlang ang kanilang pisikal na katangian sa kaunlaran.