3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
Published: September 08, 2022 01:00 PM
Nagsipaglikas kaninang umaga mula sa kani-kanilng opisina ang mga empleado ng City Hall at tumungo sa City Social Circle nang marinig ang sirena na hudyat ng Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Pinangunahan ito ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasama ang Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at City Health Office (CHO).
Nakibahagi rin sa aktibidad si Mayor Kokoy Salvador at ipinakita ang mga exit point sa City Hall na maaaring gamitin upang agarang makalikas kung sakali mang lumindol.
Paalala ng Punong Lungsod, huwag mag-panic sapagkat mayroong mga responder na handang tumulong at importanteng alalahanin ang mga exit point.
Ipinakita rin sa drill ang madaliang pagresponde at pag-rescue ng PNP, BFP, at CHO kung sakali mang lumindol.
Ayon kay LDRRMO Officer IV Sheridan L. Asuncion, masasabing epektibo ang mga isinasagawang NSED sa lungsod at nakita iyon nang maramdaman ang lindol na tumama sa Abra noong Hulyo 27.
Ayon kay Asuncion, kusang nagsipag-duck-cover-and-hold ang mga empleado at maayos na lumikas mula sa kani-kanilang mga opisina.