News »


45th NDPR Week Celebration

Published: August 01, 2023 03:36 PM



Pinatunayan ng mga person with disabilities (PWD) sa lungsod na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang ipakita ang kanilang galing at tatag sa ginanap na PWD Sports Fest nitong ika-20 ng Hulyo.

Iba’t ibang palaro ang sinalihan ng mga PWD gaya ng wheelchair race, bunong braso, Pinoy henyo, hep-hep hooray, at iba pang fun games.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang "Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan".

Idinaos ang nasabing programa sa Pag-asa Sports Complex sa pangunguna ng PWD Affairs Office (PDAO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Nakisaya naman sa programa sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ng lungsod.

Samantala, nagdaos din Chess Tournament para sa mga PWD kahapon (Hulyo 31) sa PDAO bilang pangwakas na aktibidad para sa selebrasyon ng NDPR Week.

Nagtagisan ang 13 kalahok mula sa iba’t ibang barangay kung saan nagkampeon si Bernard Adsuara ng Brgy. Pinili, ikalawa si Erizalde Nolasco ng Brgy. F.E. Marcos, at ikatlo si Cayetano Latina Jr. ng Brgy. Tondod.

Taos puso naman ang pagbati at pasasalamat ni Disability Officer II Christian Nicolas ng PDAO sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa NDPR Week.