5th Leg ONEnduro Run - 1st Mayor Kokoy Salvador Enduro Race
Published: August 27, 2018 12:00 PM
Nagpakitang-gilas sa bilis ng pagbibisikleta ang halos isang daang siklista mula Luzon, Visayas at Mindanao kasama ang Philippine National Team ng enduro/downhill noong Agosto 12.
Dahil sa maulan na panahon, mas lalong naging maaksyon ang karera kung saan dumaan ang mga siklista sa matatarik at madudulas na race track sa bundok ng Villa Floresta.
Hinati ang Enduro Race sa anim na kategorya. Ilan sa mga dumayo sa lungsod ay mga miyembro ng Philippine National Team.
Ayon kay Punong Lungsod Kokoy Salvador, layunin ng karera na ipalaganap ang magandang maidudulot ng pagbibisikleta sa ating kalusugan at ang maitutulong nito sa ating kalikasan.