News »


64 SFW Lumipad na Patungong South Korea

Published: May 23, 2023 01:35 PM



Lumipad patungong South Korea ngayong araw (May 23) ang 64 na Seasonal Farm Workers (SFW) mula sa lungsod.

Kaninang madaling araw, nagtipon-tipon sa City Social Circle ang mga paalis na San Josenio at personal silang binisita nina Mayor Kokoy Salvador at Public Employment Service Office (PESO) Manager Lilybeth Tagle para matiyak na maihatid sila nang maayos sa airport.

Nitong Mayo 19 lamang, ibinigay sa mga naturang SFW ang kanilang Visa sa ginanap na send-off program sa City Hall Atrium.

Inaasahan namang aalis ang iba pang San Josenio sa Mayo 25.

Sa kabuoan, 194 na San Josenio ang natanggap sa SFW Program na inilunsad dito noong Nobyembre 2022 sa pangunguna ng PESO.

Sa halip na dumaan sa recruitment agency, libreng assistance sa pag-aayos ng mga papeles at Visa ang tulong ng PESO sa mga SFW.

Limang buwan silang magtatrabaho sa South Korea batay sa kanilang kontrata.