News »


Abar 1st, tinutukan ng K Outreach Program

Published: July 19, 2017 05:08 PM



Nitong Hulyo 13-14, nagsimula nang bumaba ang mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalan sa pamamagitan ng K-Outreach Program sa Brgy Abar 1st, kung saan dumagsa ang mga residente particular na ang mga taga-Pabalan.

Bilang konsiderasyon sa laki ng barangay, apat na K-Outreach ang naka-iskedyul sa Abar 1st. Sa parating na Huwebes at Biyernes (Hulyo 20-21) naman, nakatakdang mapag-serbisyuhan ang mga residente ng Zones 3, 4, 5, 6 at 7 sa San Roque Gym.

Maaabangan naman ng mga taga- Sitio Tanibong at Villa Ramos ang pagbuhos ng parehong serbisyo sa ika-28 hanggang 29 ng Hulyo sa Villa Ramos Gym.

Sa August 3 – 4 naman ay dadayo ang programa sa St. Cecilia Gym.

Dagdag pa rito, tuwing Miyerkules ay naglilinis ang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng barangay katuwang ang CSWD para sa Food for Work Program.