Agro Trade Fair, Chess Tournament & Jollibee Fun Day
Published: April 28, 2018 04:18 PM
Patuloy ang pag-arangkada ng mga aktibidad sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival. (April 27)
Pormal nang binuksan ang Agro-Industrial Trade Fair sa City Social Circle kung saan pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador kasama ang kinatawan ng DTI Region 3 ang ribbon cutting ceremony.
Tampok dito ang produktong ipinagmamalaki ng mga San Josenio at maging mga kalapit-lugar.
Kabilang na sa mga ito ang bag, sandals at tsinelas na gawa sa water lily, mushrooms, porselas, beads, dormat, mga kakanin at marami pang iba.
Walumput limang chess players naman ang lumahok sa chess players sa isinagawang Open Chess tournament sa 3rd floor conference room na inorganize ng San Jose City Chess players Union.
Ang mga naturang player ay dumayo pa sa lungsod upang makapaglaro ng chess ang ilan sa kanila ay nagmula pa ng Cavite, Camiling Tarlac,Tarlac, Isabela at Pangasinan.
Nagmistula namang birthday party ang Jollibee Family Fun Day na ginanap sa Pag-asa Sports Complex.
Masaya at masiglang sumali ang mga chikiting maging ang kanilang pamilya sa iba’t ibang palaro na pinanguhan ng mga crew.
Kasunod nito ay nagbigay saya rin ang mga mascot na sina Jollibee at Hettie na labis na ikinatuwa at ikinagalak ng mga bata.