News »


Alternative Routes & New Road Directions sa Lungsod

Published: May 24, 2018 04:21 PM



Alam ba ninyo na may mga alternative routes na maaaring daanan ang mga motorista upang makaiwas sa trapiko sa Maharlika Highway?

Bukod sa mga San Joseniong regular na tinatahak ang highway, ang mga daang ito ay mapapakinabangan rin ng mga biyaherong galing Manila patungong Isabela (at vise versa) o galing Isabela patungong Pangasinan (at vise versa).

Ang daang ito ay magmula Sto. Tomas hanggang Malasin (at vise versa) na tatahakin ang kalsada ng Brgy Camanacsacan, Calaocan at Sibut.

Gayundin, mayroon namang alternative route magmula Encarnacion Subdivision na tatahakin naman ang Pinagcuartelan palabas ng Sto. Niño 1st (at vise versa) na iiwas din sa trapiko sa mga pangunahing daan.

Bagama’t may ilang parte ng mga daang ito ang kasalukuyan pang inaayos at pinagaganda, ang alternative o bypass route ay maaari nang madaanan ng light vehicles na may timbang hanggang 4500 kg o 4.5 tonelada.

Kapansin-pansin din ang mga bago at malilinaw na road signages na nagtuturo sa mga motorista sa pagtahak ng ruta.

Makatutulong ang mga rutang ito sa mga biyaherong nais makaiwas sa trapiko sa bayan lalo na kapag peak hours.

Ang pagsasaayos ng mga kalsadang ito bilang alternatibong daan ay bahagi pa rin ng #BagongSanJose programs ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na naglalayong maiayos at mapaganda ang Lungsod San Jose.

I-share natin para sa kaalaman ng mga motorista!