Anim na paaralan, pasok na sa Grand Finals ng Chorale Competition
Published: December 04, 2018 05:14 PM
Mula sa 34 paaralang kalahok sa elementary at high school sa Chorale Competition sa lungsod ay napili na ang anim na paaralang magtatapatan para sa nalalapit na grand finals na gaganapin sa Disyembre 14.
Sa ginanap na semi-final round noong Nobyembre 23, nangibabaw ang lamyos ng tinig ng mga piling mag-aaral ng Encarnacion Elementary School para sa elementary level, laban sa kanilang mga naging katunggaling San Jose East Elementary School, Malasin, Tondod Elementary School at ang United Methodist Church Learning Center. Pasok din sa grand finals ang St. John’s Academy para sa high school level laban sa mga katunggaling paaralan ang Tayabo, Porais High School at ang San Agustin Integrated School.
Nitong Nobyembre 29 naman ay sumalang ang mga piling mag-aaral ng San Jose West Central School, Calaocan, Sinipit, Sto. Nino 3rd, Delaen at Sto. Tomas Elementary School at tinanghal na panalo ang tinig ng mga mag-aaral ng San Jose West Central School. Sa High school level, nagpakitang gilas ang mga piling mag-aaral ng Mount Carmel Montessori Center, San Jose City National High School at ELIM School for Values & Excellence kung saan nakuha ng San Jose City National High School ang panalo.
Matatandaang ang Elim School for Values and Excellence at Kita-Kita High School ang nagwagi sa semi-final round noong Nobyembre 15.
Ayon sa City Tourism Office, sa darating na Biyernes, Disyembre 7, ay mapapakinggan ang tinig ng mga mag-aaral ng Palestina, Porais, Lomboy, Abar 1st Elementary School at Mount Carmel Montessori Center; at ang Sto. Nino 3rd National High School, Tondod High School at ang Gracious Shepherd Christian Academy.
Ang Chorale Competition ay ginaganap sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose at ng DepEd Division Office. Isa ito sa mga programa ni Kokoy Salvador upang maging masigla ang pagdaraos ng Kapaskuhan sa lungsod, at upang ang mga kabataan ay makilahok sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan habang nahuhubog ang kanilang mga talento.