News »


Anti Rabies Vaccination

Published: March 13, 2023 04:57 PM



Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, nagsagawa ng libreng pagbabakuna kontra rabies ang City Veterinary Office (CVO) at City Health Office (CHO) sa pakikipagtulungan ng WalterMart ngayong araw (Marso 13) sa nasabing department store.

Bukod sa anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa, maaari ding magpabakuna roon ang mga taong nakagat ng kanilang alagang hayop.

Isasagawa ang naturang aktibidad sa WalterMart sa buong buwan ng Marso tuwing Lunes at Huwebes, 9:00n.u. - 3:00n.h.

Bukod sa libreng pagbabakuna sa WalterMart, patuloy pa rin sa pag-iikot sa mga barangay ang mga kawani ng CVO para magbakuna ng mga alagang aso at pusa kontra rabies.

Sa katunayan, ibinahagi ni Dr. Rustan Patacsil, City Veterinarian na nakapagbakuna na ang kanilang opisina ng 5,992 alagang aso at pusa mula sa 22 barangay na kanilang napuntahan sa taong ito.

Nakatakdang magbakuna ang CVO sa Brgy. Sto. Tomas sa Marso 14-15, sa Caanawan sa Marso 16, at Abar 2nd sa Marso 17.

Inaasahang mapupuntahan nila ang lahat ng barangay sa lungsod hanggang Abril upang mas mapalaganap ang impormasyon ukol sa rabies at para maiwasan ito.