News »


Anti-Dengue Spray Solution para sa mga Barangay

Published: August 28, 2021 01:00 PM



Upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng dengue sa lungsod, nagpamigay ang Lokal na Pamahalaan ng anti-dengue spray solution sa mga kapitan ng barangay nitong Biyernes, Agosto 27, sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga opisina ng Community Affairs at City Disaster Risk Reduction & Management. 

Sa paliwanag ni JE Dizon mula sa Sanitation Division ng City Health Office, gagamitin ang spray para sa mabilis na pagtugon ng mga barangay sa kanilang nasasakupan kung saan magkakaroon ng kaso ng dengue. Aniya, ang anti-dengue spray solution ay magkaiba sa "fogging" na inirerekomanda lamang kung mayroon talagang outbreak sa isang lugar dahil sa kemikal na sangkap at epekto ng usok nito. 

Nagpaalala rin si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga kapitan na hindi lamang COVID-19 ang dapat i-monitor sa mga barangay kundi ang mga kaso ng dengue rin. 

Dumalo rin sa aktibidad si Konsehal Ali Salvador, Chairman ng Committee on Disaster Risk Reduction & Management ng Sangguniang Panlungsod.