News »


Anti-Violence Against Women & Children seminar, Isinagawa

Published: January 29, 2018 05:14 PM



Sumailalim sa isang seminar ang mga piling pampublikong guro sa lungsod kaugnay sa ‘Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) na isinagawa noong Biyernes (January 26).

Nagsilbing tagapagsalita si Gender Awareness Development Consultant Sherwin Maniquis kung saan itinuro niya ang mga mahahalagang paksa kaugnay sa VAWC.

Sa kanyang pananalita, sinabi ni Punong lungsod Kokoy Salvador na malaki ang tulong ng mga guro sa paghahatid ng impormasyon sa kani-kanilang paaralan, dahil maari aniya nila itong maibahagi sa kanilang estudyante maging sa magulang ng mga bata.

Maituturo din ang tamang aksyon sakaling may makita o mapag-alamang nangyaring karahasan sa mga ito (bata at kababaihan).

Ipinaliwanag din dito na hindi lahat ay maaaring makialam sa sitwasyon na may kaugnayan sa VAWC. Tanging ang mga ahensya ng pamahalaan na may mandato ukol dito ang may kapangyarihang mamagitan gaya ng CSWDO at PNP, subalit kahit sino ay maaaring magsumbong kapag may nakitang ganitong karahasan.

Layunin ng seminar na maipaabot sa mga guro ang mga mahahalagang impormasyon laban sa karahasan sa mga bata at kababaihan na nakapaloob sa Republic Act 9262 o ang ‘Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004’.

Dumalo rin sina Vice Mayor Glenda Macadangdang at City Councilor Trixie Salvador.

(Ella Aiza D. Reyes)