Araw ng Kalayaan, ginunita sa lungsod
Published: June 13, 2017 12:14 PM
Nagtipon-tipon kahapon (June 12) ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, DepEd, Philippine Army, PNP, BFP, NGO’s at mga miyembro ng organisasyong Free Masonry at Amaranth upang sama-samang ipagdiwang ang ika-119 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin.”
Inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pag-aalay ng 21-gun salute ng 84IB 7ID ng Philippine Army bilang pagpupugay parangal, at sinundan ito ng flag raising ceremony. Nagkaroon din ng pagpupugay sa watawat na pinangunahan ni SPO2 Michael Aquino.
Samantala, sa gitna ng pagdiriwang ay inalala rin sa okasyon ang kaguluhang nangyayari ngayon sa Marawi City. Sa mensahe ni Mayor Kokoy Salvador, sinabi niyang ipanalangin ang naturang bayan para makamit nito ang kapayapaan. Kailangan din aniya ang pakikiisa ng bawat mamamayan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Naging panauhing tagapagsalita sa programa si VW Redentor Laureta Sr., District Deputy Grand Master ng Free Masonry Nueva Ecija North, kung saan iniugnay niya sa ating kalayaan ang pagmamahal natin sa ating bansa na maipapakita sa iba’t ibang paraan lalong-lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Bumati rin sa pagtitipon sina Congresswoman Micaela S. Violago at Vice Mayor Glenda F. Macadangdang, habang si City Councilor Patrixie Salvador naman ang nagbigay ng pangwakas na pananalita. -- Ella Aiza D. Reyes