News »


Araw ng Kawani

Published: September 05, 2023 02:59 PM



Hindi natinag ng ulan ang selebrasyon ng Araw ng Kawani ng lokal na pamahalaan kahapon (Setyembre 4) bilang pakikiisa sa 123rd Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.

Nakisaya si Mayor Kokoy Salvador at ilang konsehal sa programa na idinaos sa Pag-asa Sports Complex sa pangunguna ng City Human Resource Management Office (CHRMO).

Hinikayat ng Punong Lungsod na sumali, makisaya, at magkaisa ang mga kawani para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod San Jose.

Kaugnay nito, aktibong lumahok sa Zumba at nagtagisan sa mga palaro ang mga empleado mula sa iba’t ibang opisina na hinati sa Black, Blue, Green, Red, at Yellow Team.

Mayroon ding raffle draw kung saan napanalunan ang 10 kilo ng bigas at grocery package ng mga mapalad na nabunot.

Dagdag pa rito, ipinamalas sa programa ng mga piling kawani ng lokal na pamahalaan ang kanilang galing sa pagsayaw ng Pandanggo sa Ilaw.

Bukod sa Araw ng Kawani, iba’t ibang aktibidad pa ang inihanda ng CHRMO sa buong buwan ng Setyembre para sa selebrasyon ng anibersaryo ng Serbisyo Sibil.