Araw ng Kawani, ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan
Published: September 25, 2018 03:23 PM
Idinaos nitong Lunes (Setyembre 24) ang Araw ng Kawani sa munisipyo bilang pakikiisa ng San Jose City LGU sa selebrasyon ng ika-118 Anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng naturang okasyon, binigyan ng parangal ng Lokal na Pamahalaan ang tatlong kawani na napili ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee mula sa 22 nominees na isinumite ng iba’t ibang tanggapan.
Pinarangalan para sa Best in Attendance si Victor A. Enriquez ng City Accounting Office na 22 taong nang naglilingkod sa pamahalaang lokal.
Kinilala naman para sa Kagandahang Asal si Ruth T. Tan ng City Population Office na 26 na taon na sa serbisyo sa gobyerno.
Naging emosyonal naman si Arlene M. Acedo ng City Treasurer’s Office matapos siyang hirangin bilang 2018 Natatanging Kawani. Si Acedo ay 22 taon na sa paglilingkod at ginawaran ng Kagandahang Asal Award noong 2017 at Best in Attendance noong 2015 sa parehong okasyon.
Tumanggap ang mga pinarangalang kawani ng plake at cash incentives na iginawad ni Mayor Kokoy Salvador kasama sina Vice Mayor Glenda F. Macadangdang, ilang konsehal at mga miyembro ng PRAISE Committee.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, hinikayat niya ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na dapat ay magtulungan ang bawat isa para sa mas maunlad na lungsod at maglingkod nang maka-Diyos, makatao at makabayan para sa lahat.
Ito ay sang-ayon sa tema ng 118th Philippine Civil Service Anniversary na “Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan”.
Bukod sa ginanap na pagbibigay parangal, nag-enjoy rin sa pag-Zumba at fun games ang mga empleyado, at nabusog pa sa inihaing arroz caldo ng Mobile Kitchen.