Araw ng mga Kawani
Published: September 05, 2022 02:00 PM
Idinaos ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose ang Araw ng Kawani nitong umaga (Setyembre 5) sa City Social Circle kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng City Human Resource Management Office (CHRMO).
Bahagi ito ng pagdiriwang ng 122nd Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.
Aktibong lumahok at nagtagisan sa iba’t ibang laro ang mga empleado ng munisipyo na hinati sa red, yellow, green, blue, at white team.
Panalo sa charades at pahabaan ng hininga ang Blue Team, habang nasungkit naman ng White Team ang unang puwesto sa larong moving on top, at ang Yellow Team naman sa putukan ng lobo.
Nanguna rin ang White Team na may pinakamaraming miyembro na lumahok sa Zumba.
Bukod sa fun games, may inihandang simpleng agahan para sa mga kawani at may pa-raffle pa, kung saan napanalunan dito ang 20 packs ng 10 kilong bigas, 30 packs ng limang kilong bigas, at walong grocery packs.
Sa mensahe ni Vice Mayor Ali Salvador sa programa, sinabi niyang ito ang pagkakataon para sa mga kawani na mapasalamatan na naging bahagi ng LGU family at hinikayat silang tularan ang mga matatagal nang nagbibigay serbisyo sa Lokal na Pamahalaan.
Binati rin ni Mayor Kokoy Salvador ang mga kapwa lingkod bayan at nangakong ipagpapatuloy ang sinimulang paglilingkod kahit papatapos na ang kanyang termino.
Nabanggit din ng Punong Lungsod ang hangaring makamit ang ikatlong Seal of Good Local Governance (SGLG) na magpapatunay na maganda ang serbisyo ng LGU San Jose, at nagtatrabaho nang tapat at malinis ang mga kawani rito.
Marami pang programang laan para sa mga kawani ang gaganapin sa buong Buwan ng Serbisyo Sibil, kabilang dito ang LGU Sportsfest na magsisimula sa darating na Miyerkoles, Setyembre 7.