News »


Ariel Rivera, nagpakilig sa Gabi ng Mamamayan

Published: May 02, 2018 05:09 PM



Naghatid ng kilig at saya ang singer/actor na si Ariel Rivera sa mga dumalo Gabi ng Mamamayan nitong Sabado (April 27) na ginanap sa City Social Circle bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.

Nagtilian ang mga manonood nang lumabas si Ariel Rivera at sumabay pa ang mga ito sa pagkanta ng kanyang hit song na “Sana Kahit Minsan” at “Getting to Know Each Other”.

Makikita naman ang kasiyahan ng bawat isa dahil nagsilbi itong bonding moment sa kanila.

Nagpasalamat si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa lahat ng mga nakiisa sa pagtitipon dahil aniya, nagkaroon ng masayang selebrasyon ang fiesta dahil sa kanila.