News »


Assessment and Measurement of Artificial Legs

Published: May 31, 2023 04:23 PM



Mahigit 100 person with disabilities (PWD) ang nabigyan ng Assessment and Measurement of Artificial Legs sa WalterMart-San Jose kaninang umaga (Mayo 31) sa pangunguna ng PWD Affairs Office (PDAO).

Dumalo sa nasabing programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama si PBF Prosthesis and Brace Center Manager Fernando Santos.

Ayon kay Vice Mayor Ali, laging nakaalalay ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga PWD sapagkat naniniwala siyang hindi hadlang ang kapansanan upang mamuhay nang normal ang isang tao.

Sinang-ayunan naman ito ni Mayor Kokoy at ipinaalala niyang, “habang may buhay, may pag-asa at disabled man o hindi, lahat ng tao nakararanas ng kanya-kanyang problema.”

Samantala, ibinahagi rin ni Santos na masaya siya sapagkat nakikita niyang kasama sa pag-unlad ang mga PWD sa lungsod.

Bukod dito, nagpamigay rin ng apat na wheelchair, isang walker, at isang pares na saklay sa nasabing programa.

May mga lumahok din dito mula Carranglan, Llanera, Lupao, Rizal, at Science City of Muñoz.