News »


Awarding of Certificate of Full Scholarship | 7 October 2016

Published: October 10, 2016 04:37 PM



Personal na iginawad ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador ang certificate of full scholarship sa mga kabataang benepisyaryo ng Abot Alam Program ng Department of Education at ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes, (October 7).

Ayon sa Punong Lungsod, maswerte ang 75 kabataang napiling mapagkalooban ng full scholarship at makapag-aral ng kurso na accredited ng TESDA, dahil hindi aniya lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, kaya marapat lang na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral.

Dagdag pa ni Mayor Kokoy, libre lahat ng gastusin ng kanilang pag-aaral mula sa tuition fee, pamasahe, pagkain, assessment fee at maging libreng t-shirt ng mga benepisyaryo ay sinagot na din nya.

Kaya naman nagpapasalamat ang DepEd Division sa pangunguna ni Superintendent Teresa D. Mababa sa lokal na pamahalaan lalo na sa tanggapan ng Punong Lungsod dahil sa suporta na ibinibigay nila sa programang ito.

Layunin ng Abot Alam Program na matukoy ang lahat ng out-of-school youth (OSY) sa bansa at mai-enroll ang mga ito sa program intervention sa edukasyon, pagnenegosyo at trabaho depende sa kakayahan ng mga kabataang may edad na 15 hanggang 30 anyos.
(Ella Aiza D. Reyes)