News »


Awarding of Winners of Balik-Matipunong Katawan at Alindog

Published: October 11, 2016 12:51 PM



Pinarangalan na ang mga nagsipagwagi sa anim na buwang programa ng Balik Matipunong Katawan at Alindog na handog ng lokal na pamahalaan bilang paghimok sa mga San Josenian na magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Tinanghal bilang Balik Matipunong Katawan at Alindog Grand Champion si Elmira Velasco-Subaba mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nag-uwi ng Php30,000.00.

Samantala, 2nd placer naman si Marichu Bautista ng F.E Marcos na nakatanggap ng Php15,000.00, at Php10,000.00 naman ang iginawad sa 3rd placer na si Jerry Maniego ng Camanacsacan.

Ayon kay Head Coach “Mommy Osie” Nebreja, layon nitong magkaroon ng total change to a healthy lifestyle ang mga kalahok sa programa sa natural na paraan gaya ng workout, enough rest, at proper nutrition.

Mariin namang sinuportahan ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang naturang programa at magkakaroon pa ito ng Season 2, kung saan lahat ng gustong maging physically fit at healthy ay inaanyayahang makilahok sa programang ito.

Dumalo rin dito si Biggest Loser Pinoy Edition Doubles Grand Winner Bryan Castillo, kasama sina Carl Lazaro, Jepoy Arcill at si Ultra Marathoner Coach and Certified HIIT Trainor Rionell G. Buencamino. (Jennylyn N. Cornel)