Ayuda para sa bagong LGU Scholars, ipinamahagi
Published: September 20, 2022 01:00 PM
Tinanggap na ng 200 bagong iskolar ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kahapon (Setyembre 19) ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng PHP7,000.00 para sa isang semestre.
Bago ipamahagi ang naturang ayuda, nagkaroon muna ng maikling orientation sa PAG-ASA Sports Complex para ipaliwanag sa mga iskolar ang mga kahingian na dapat nilang sundin para mapanatili ang kanilang LGU Scholarship.
Kabilang dito ang pagsusumite ng kanilang Certificate of Grades para sa nakaraang semestre, Certificate of Enrollment para sa bagong semestre, at liham na nagsasaad kung saan napunta ang nakuha nilang allowance noong nakaraang semestre.
Binanggit din na ang scholarship na ito ay magtatagal hanggang makapagtapos sa kolehiyo ang mga iskolar at maipasa nila ang mga hinihinging dokumento at mapanatili ang kanilang marka o grades para makapag-renew.
Ayon sa City Human Resources Management Office (CHRMO), hindi maaaring isabay ang LGU Scholarship sa ibang scholarship mula sa gobyerno tulad ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at/o Department of Science and Technology (DOST)
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 600 estudyante ang nakasama sa scholarship program ng lokal na pamahalaan.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama sina City Councilor Trixie Salvador at Vanj Manugue na nagbigay ng kani-kanilang mensahe.
Ipinaalala ng mga konsehal sa mga kabataang estudyante ang kahalagahan ng edukasyon kahit ano pa man ang kurso na kanilang tinatahak.
Ayon pa kina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali, tanging edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan.
“Nasa sa inyo kung gagawa kayo ng ikagaganda ng inyong kapalaran”, saad naman ni CHRM Officer Romeo Yacan Jr.