News »


Ayuda para sa Master's Thesis Writing Program, Iginawad

Published: September 12, 2023 11:19 AM



Anim na San Josenio ang nabigyan ng tulong pinansiyal ng lokal na pamahalaan ngayong taon para sa Master’s Thesis Writing Program.

Nakatanggap ng tig-sampung libong piso ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nakapagsumite ng mga kahingian batay sa City Ordinance No. 20-009.

Ilan sa kwalipikasyon ay ang pagiging residente at botante ng Lungsod San Jose, kasalukuyang nagtuturo o lingkod bayan dito, pasado sa comprehensive exam, at post graduate student na kasalukuyang naka-enroll sa kolehiyo o unibersidad para sa Master’s Thesis Writing.

Binati ni Vice Mayor Ali Salvador ang mga benepisyaryo at sinabing hangad niya ang kanilang mas magandang kinabukasan na siyang layunin ng naturang programa ng LGU.

Hinikayat din ng bise alkalde na irekomenda ito sa mga kaibigan o kakilala para mas marami pang matulungan.

Dumalo rin sina Mayor Kokoy Salvador at City Councilor Patrixie Salvador-Garcia sa nasabing aktibidad sa munisipyo kahapon, Setyembre 11 .