Ayuda para sa mga Naapektuhan ng ASF, Ipinamahagi
Published: October 14, 2020 12:00 AM | Updated: October 26, 2020 09:23 AM
Nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Agriculture - Regional Field Office III ang mga hog raiser sa lungsod na nalugi ang negosyo dahil sa epekto ng African Swine Fever o ASF virus na nanalasa sa lungsod noong Enero ng nakaraang taon.
Ipinamahagi kanina (Oct 14) sa 62 benepisyaryo ang naturang tulong na ginanap sa Pag-asa Sports Complex sa pakikipagtulungan ng City Veterinary Office at Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO).
3,595,000 pesos ang kabuuang halaga ng ibinigay na suportang pinansyal para sa nasabing industriya.
Nakabase ang halagang natanggap ng bawat benepisyaryo ayon sa dami ng alagang baboy na namatay mula sa kanilang piggery.
Matatandaang nitong Hunyo, sa hudyat ng Task Force ASF, naglaan ang Lokal na Pamahalaan ng halos isa’t kalahating milyong pisong (1,347,500.00) pondo para sa local pig industry sa bisa ng Executive Order No. 01at sa pamamagitan ng City Resolution No. 20-044 na nagdeklara sa lungsod sa ilalim ng state of calamity.