Ayudang pataba, ipinamahagi
Published: July 27, 2020 12:00 AM
Sinimulan nitong nakaraang linggo ang taunang pamimigay ng subsidiyang pataba mula sa Department of Agriculture para sa mga benepisyaryong magsasaka sa lungsod.
Dinaluhan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama si Kon. Trixie Salvador ang pamimigay para sa ikatlong batch ng benepisyaro nitong Biyernes, Hulyo 24.
Kwalipikado para sa ayudang pataba ang mga benepisyaryong magsasaka na nakatanggap ng libreng binhi noong buwan ng Mayo. Halos 16,000 na sako ng pataba ang inilaan ng Department of Agriculture sa lungsod.
Upang maging rehistradong magsasaka, kailangan lamang makipag-ugnayan sa Agriculture Technician na assigned sa barangay. Mahalagang maging rehistradong magsasaka sapagka't isa ito sa kwalipikasyon ng Department of Agriculture sa pamimigay ng subsidiya.
Kung may katanungan tungkol dito, makipag-ugnayan sa barangay technician o magtungo sa City Agriculture Office.