News »


�Back to Eskwela, Back to Bakuna�

Published: August 23, 2017 06:23 PM



Inilunsad nitong Agosto 18 ang School-Based Immunization Program ng Department of Health (DOH) at DepEd sa San Jose West Central School na may tema ngayong taon na: “Bakuna para sa Kabataan, Proteksyon sa Kinabukasan”.

Ang naturang programa ay para mabigyan ng libreng bakuna para sa Measles, Rubella, Tetanus at Diphtheria (MRTD) ang mga Grade 1 at Grade 7 learners ng mga pampublikong paaralan.

Bukod sa mga nabanggit na vaccine, ngayong ikatlong taon ng implementasyon ng School-Based Immunization Program ay idinagdag ang pagbibigay ng Human Papilloma Virus (HPV) vaccine para naman sa mga Grade 4 learners na babae.

Ayon kay Immunization Nurse Coordinator Marilyn Llorando, layon nitong mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan at maagapan ang pagkaroon ng HPV infection na isang sanhi ng cervical cancer.

Naging kabahagi ng paglulunsad ng naturang programa sina Mayor Kokoy Salvador at Congw. Mikki S. Violago na buo ang supporta sa mga programang pangkalusugan.

Sa kasalukuyan, 9 elementary schools na sa lungsod ang naikutan ng mga City Health Workers.

Tatagal hanggang buwan ng Setyembre ang pagbabakuna upang maikutan lahat ng 48 public elementary school sa lungsod.

Hinihikayat naman ang pakikiisa ng mga magulang para mabakunahan ang kanilang mga anak.

(Rozz A. Rubio)